|
19767 | Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Sumigaw sa galak para kay Jacob! Sumigaw ng may kagalakan para sa pinuno ng mga tao sa mga bansa!. Hayaang marinig ang papuri. Sabihing, 'Iniligtas ni Yahweh ang kaniyang mga tao, ang natitira ng Israel.' | |
21341 | Naroon si Elam kasama ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! Nakapalibot sa kaniya ang kaniyang mga libingan; lahat sila ay pinatay! Sa mga bumagsak sa pamamagitan ng espada, sa mga hindi tuli na bumaba sa pinakamababang bahagi ng lupa, na siyang nagdala ng kanilang kakila-kilabot/matinding takot sa lupain ng buhay at ngayon ay dala-dala nila ang kanilang kahihiyan, sila ay pababa sa hukay!. |