72 | GEN 3:16 | Sinabi niya sa babae, “Higit kong patitindihin ang sakit mo sa panganganak; sa sakit ka magsisilang ng mga anak. Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, subalit pamumunuan ka niya.” |
73 | GEN 3:17 | Sinabi niya kay Adan, “Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, “Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay. |
103 | GEN 4:23 | Sinabi ni Lamec sa kanyang dalawang asawa, “Ada at Zilla dinggin ninyo ang aking tinig; kayong mga asawa ni Lamec, makinig kayo sa sasabihin ko. Nakapatay ako ng isang tao dahil sinugatan ako, isang binata dahil sa pananakit sa akin. |
145 | GEN 6:7 | Kaya sinabi ni Yahweh, “Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.” |
150 | GEN 6:12 | Nakita ng Diyos ang mundo; masdan, ito ay masama, dahil lahat ng laman ay pinasama ang kanilang gawi sa ibabaw ng mundo. |
176 | GEN 7:16 | Ang mga hayop na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng laman; pumasok sila gaya ng iniutos ng Diyos sa kanya. Pagkatapos isinara ni Yahweh ang pintuan sa likod nila. |
297 | GEN 11:30 | Ngayon si Sarai ay baog; siya ay walang anak |
327 | GEN 13:8 | Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Huwag nating hayaan na magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol; kung tutuusin, tayo ay magkapamilya. |
346 | GEN 14:9 | laban kina Kedolaomer, hari ng Elam, Tidal, hari ng Goyim, Amrafel, hari ng Sinar, Arioc, hari ng Elasar; apat na mga hari laban sa lima. |
365 | GEN 15:4 | Pagkatapos, narito, dumating ang salita ni Yahweh, nagsasabing “Ang taong ito ay hindi mo magiging tagapagmana; sa halip manggagaling sa inyong sariling katawan ang siyang magiging tagapagmana mo.” |
396 | GEN 16:14 | Dahil dito tinawag na Beerlahairoi ang balon; masdan, naroon ito sa pagitan ng Kades at Bered. |
491 | GEN 19:33 | Kaya, pinainom nila ang kanilang ama ng alak ng gabing iyon. Pagkatapos, pumasok ang nakatatanda at sumiping sa kanyang ama; hindi niya alam kung kailan siya humiga, ni kung kailan siya bumangon. |
508 | GEN 20:12 | Bukod pa rito, tunay na siya ay kapatid ko, ang anak na babae ng aking ama, pero hindi anak ng aking ina; at siya ay aking naging asawa. |
520 | GEN 21:6 | Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Diyos; tatawa ang bawat isang makakarinig kasama ko.” |
532 | GEN 21:18 | Tumayo ka, ibangon mo ang bata at patatagin siya; sapagkat gagawin ko siyang isang dakilang bansa.” |
540 | GEN 21:26 | Sinabi ni Abimelek, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa ng bagay na ito. Hindi mo ito sinabi sa akin liban ngayon; hindi ko ito narining kundi ngayon.” |
554 | GEN 22:6 | Pagkatapos kinuha ni Abraham ang kahoy para sa handog na susunugin at ipinapasan ito kay Isaac na kanyang anak. Dinala niya sa kanyang kamay ang apoy at ang kutsilyo; at kapwa silang umalis na magkasama. |
565 | GEN 22:17 | tiyak na pagpapalain kita at labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan; at aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway. |
642 | GEN 24:50 | Pagkatapos sumagot si Laban at Bethuel at sinabing, “Ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh; hindi kami makapagsasabi sa iyo ng masama o mabuti. |
660 | GEN 25:1 | Kumuha ng isa pang asawa si Abraham; ang kanyang pangalan ay Keturah. |
675 | GEN 25:16 | Ito ang mga anak na lalaki ni Ismael, at ang mga ito ay ang kanilang mga pangalan, ayon sa kanilang mga nayon, at sa kanilang mga kampo; labindalawang prinsipe ayon sa kanilang mga tribu. |
686 | GEN 25:27 | Ang mga bata ay lumaki na, at si Esau ay naging mahusay na mangangaso, isang taong sanay sa gubat; subalit si Jacob ay isang tahimik na tao, na ginugugul ang kanyang oras sa mga tolda. |
695 | GEN 26:2 | Ngayon nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabi, “Huwag kang pumunta sa Ehipto; tumira ka sa lugar na sinabi ko na iyong pagtirhan. |
696 | GEN 26:3 | Manatili ka sa lugar na ito, at ako ay sumasainyo at pagpapalain ko kayo; para sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan, ibibigay ko ang lahat ng mga lupaing ito, at tutuparin ko ang panunumpa na aking sinumpaan kay Abraham na iyong ama. |
737 | GEN 27:9 | Pumunta ka sa kawan at dalhan mo ako ng dalawang batang kambing; at magluluto ako ng masarap na pagkain para sa ama mo, na katulad ng gusto niya. |
746 | GEN 27:18 | Pumunta si Jacob sa kanyang ama at nagsabi, “Ama ko.” Sinabi niya, “Narito ako; sino ka, anak ko?” |
747 | GEN 27:19 | Sinabi ni Jacob sa kanyang ama, “Ako si Esau na unang anak mo; nagawa ko na ang sinabi mo sa akin. Umupo ka at kainin ang aking napangaso upang pagpalain mo ako.” |
757 | GEN 27:29 | Nawa ang mga tao ay maglingkod sa iyo at yumuko sa iyo ang mga bansa. Maging amo ka ng iyong mga kapatid na lalaki, at nawa ang mga anak ng iyong ina ay yumuko sa iyo. Nawa ang bawat isang sumumpa sa iyo ay sumpain; at nawa ang bawat isang magpala sa iyo ay pagpalain.” |
769 | GEN 27:41 | Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa pagpapalang binigay ng kanilang ama sa kanya. Sinabi niya sa kanyang puso, “Malapit na ang mga araw ng pagluluksa para sa aking ama; pagkatapos niyon papatayin ko ang kapatid kong si Jacob.” |
789 | GEN 28:15 | Masdan mo, kasama mo ako, iingatan kita saan ka man magpunta. Dadalhin kitang muli sa lupaing ito; dahil hindi kita iiwan. Tutuparin ko ang lahat ng naipangako ko sa iyo.” |
816 | GEN 29:20 | Kaya naninilbihan si Jacob ng pitong taon para kay Raquel; at tila ang mga ito ay parang iilang araw lamang sa kanya, dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya. |
828 | GEN 29:32 | Si Lea ay nagdalang-tao at nagsilang ng isang batang lalaki, at pinangalanan niyang Ruben. Sinabi niya, “Dahil nakita ni Yahweh ang aking paghihirap; tiyak ngayon na mamahalin na ako ng aking asawa. |
831 | GEN 29:35 | Nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Sa pagkakataong ito pupurihin ko si Yahweh.” Kaya nga pinangalanan niya itong Juda; Pagkatapos huminto na siya sa pagkakaroon ng anak. |
870 | GEN 30:39 | Ang mga kawan ay nagparami sa harap ng mga patpat; at ang mga kawan ay nanganak ng may guhit, may batik, at may dungis na bata. |
914 | GEN 31:40 | Naroon ako; sa araw pinahirapan ako ng init, at ng nagyeyelong hamog sa gabi; at nagtiis ako nang walang tulog. |
995 | GEN 34:14 | Sinabi nila sa kanila, “Hindi namin magagawa ang bagay na ito, ang pagbibigay ng aming kapatid na babae sa sinumang hindi tuli; sapagkat iyan ay magiging kahihiyan sa amin. |
1043 | GEN 36:2 | Kinuha ni Esau ang kanyang mga asawa mula sa mga Cananeo. Ito ang mga asawa niya: Si Ada na anak na babae ni Elon na Heteo; si Aholibama na anak na babae ni Ana, na apong babae ni Zibeon na Hivita; |
1051 | GEN 36:10 | Ito ang mga pangalan ng mga lalaking anak ni Esau: Si Elifaz na lalaking anak ni Ada, asawa ni Esau; Si Reuel na lalaking anak ni Basemat, asawa ni Esau. |
1267 | GEN 42:14 | Sinabi ni Jose sa kanila. “Iyon na nga ang sinasabi ko sa inyo; kayo'y mga ispiya. |
1395 | GEN 46:8 | Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto, si Jacob at ang kanyang mga anak na lalaki: si Ruben, panganay na anak ni Jacob; |
1396 | GEN 46:9 | mga anak na lalaki ni Ruben na sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi; |
1398 | GEN 46:11 | mga anak na lalaki ni Levi na sina Gershon, Coat at Merari; |
1400 | GEN 46:13 | Ang mga anak na lalaki ni Isacar: sina Tola, Pua, Job, at Simron; |
1403 | GEN 46:16 | ang mga anak na lalaki ni Gad, sina Zifion, Hagui at Suni, Ezbon, Eri, Arodi, at Areli; |
1404 | GEN 46:17 | ang mga anak na lalaki ni Aser, sina Jimna at Isua, Isui at Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae; ang mga anak na lalaki ni Beria, sina Heber at Malquiel |
1410 | GEN 46:23 | Ang anak na lalaki ni Dan, si Husim; |
1434 | GEN 47:13 | Ngayon wala ng pagkain sa lahat ng lupain; dahil malubha na ang taggutom. Ang lupain ng Ehipto at ang lupain ng Canaan ay nakatiwangwang dahil sa taggutom. |
1458 | GEN 48:6 | Ang susunod na mga anak mo pagkatapos nila ay magiging iyo; sila ay nakalista sa ilalim ng mga pangalan ng kanilang mga kapatid sa kanilang mana. |
1470 | GEN 48:18 | Sinabi ni Jose sa kanyang ama, “Hindi aking ama; ito po ang panganay. Ilagay mo ang iyong kanang kamay sa kanyang ulo.” |
1478 | GEN 49:4 | Katulad ng hindi mapipigilan na matuling agos ng tubig, hindi ka magkakaroon ng katanyagan, dahil sumampa ka sa kama ng iyong ama. Dinungisan mo ito; sumampa ka sa aking higaan. |
1495 | GEN 49:21 | Si Nephtali ay isang malayang babaeng usa; magkakaroon siya ng magandang mumunting mga usa. |
1505 | GEN 49:31 | Doon inilibing si Abraham at Sara na kanyang asawa; inilibing nila roon si Isaac at Rebeca na kanyang asawa; at inilibing ko roon si Lea. |
1531 | GEN 50:24 | Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Malapit na akong mamatay; pero tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos at pangungunahan kayo palabas ng lupaing ito papunta sa lupain na kanyang ipinangakong ibibigay kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.” |
1540 | EXO 1:7 | Ang mga Israelita ay naging mabunga, lubhang dumami ang bilang at naging napakalakas; ang lupain ay napuno nila. |
1542 | EXO 1:9 | Sinabi niya sa kaniyang bayan “Tingnan ninyo ang mga Israelita; mas marami pa sila at malalakas pa kaysa sa atin. |
1548 | EXO 1:15 | Pagkatapos ang hari ng Ehipto ay nakipag-usap sa Hebreong mga komadrona; ang pangalan ng isa ay si Sifra, at ang isa ay si Pua. |
1549 | EXO 1:16 | Sinabi niya, “Kung tutulong kayo sa mga Hebreong babae sa paanakan, pagmasdan ninyo kapag sila ay manganganak. Kapag ang sanggol ay lalaki, patayin ninyo; pero kung ito ay babae, siya ay mabubuhay.” |
1550 | EXO 1:17 | Pero ang mga hilot ay natakot sa Diyos at hindi nila ginawa ang iniutos ng hari ng Ehipto; sa halip, pinabayaan nilang mabuhay ang mga lalaking sanggol. |
1577 | EXO 2:22 | Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, at pinangalanan siya ni Moises na Gersom; sinabi niya, “Ako ay naging isang mamamayan sa isang dayuhang lupain.” |
1588 | EXO 3:8 | Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo. |
1635 | EXO 5:2 | Sinabi ni Paraon, “Sino si Yahweh? Bakit ako makikinig sa kaniyang tinig at hahayaang umalis ang Israel? Hindi ko kilala si Yahweh; bukod dito, hindi ko papayagang umalis ang Israel.” |
1659 | EXO 6:3 | Nagpakita ako kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob bilang Diyos na Makapangyarihan; pero sa pamamagitan ng aking pangalang Yahweh, ay hindi ako nahayag sa kanila. |
1692 | EXO 7:6 | Ginawa iyon nina Moises at Aaron; ginawa nila tulad ng inutos ni Yahweh sa kanila. |
1748 | EXO 9:5 | Nagtakda si Yahweh ng isang panahon; kaniyang sinabi, “Gagawin ko bukas ang bagay na ito sa lupain. |
1754 | EXO 9:11 | Hindi mapigilan ng mga salamangkero si Moises dahil sa mga pigsa; dahil nagkaroon din sila ng mga pigsa maging ang lahat ng ibang mga taga-Ehipto. |
1776 | EXO 9:33 | Nang umalis si Moises kay Paraon at sa lungsod, inilatag niya ang kaniyang mga kamay kay Yahweh; tumigil ang kulog at ulang may yelo, at ang ulan ay hindi na bumuhos pa. |
1797 | EXO 10:19 | Dinala ni Yahweh ang napakalakas na kanlurang hangin na dumampot sa mga balang at itinangay sila patungo sa Dagat ng mga Tambo; Wala ni isang balang ang natira sa buong lupain ng Ehipto. |
1801 | EXO 10:23 | Wala ni isang nakakakita ng sinuman; wala ni isang lumisan sa kanilang mga tirahan sa loob ng tatlong araw. Pero, mayroong ilaw ang lahat ng mga Israelita, sa lugar kung saan sila nakatira. |
1804 | EXO 10:26 | Kailangan din naming isama ang aming mga baka; wala ni isang paa nila ang maiiwan, dahil kailangan namin silang dalhin para sa pagsamba kay Yahweh na aming Diyos. Dahil hindi namin alam kung ano ang aming kakailanganin sa pagsamba kay Yahweh hanggang sa makarating kami roon.” |
1874 | EXO 13:6 | Sa loob ng pitong araw dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura; Sa ikapitong araw magkakaroon ng pista sa karangalan ni Yahweh. |
1875 | EXO 13:7 | Tinapay na walang lebadura ang dapat kainin sa loob ng pitong araw; dapat walang tinapay na may lebadura ang makikita sa gitna ninyo. Dapat walang lebadurang makikita sa inyo sa loob ng inyong mga kinasasakupan. |
1922 | EXO 15:1 | Pagkatapos inawit nina Moises at ng bayan ng Israel ang awiting ito para kay Yahweh. Inawit nila, “Umaawit ako kay Yahweh, dahil sa maluwalhating tagumpay; ang kabayo at ang tagasakay nito ay itinapon sa dagat. |
1924 | EXO 15:3 | Si Yahweh ay isang mandirigma; Yahweh ang pangalan niya. |
1926 | EXO 15:5 | Sila ay tinabunan ng kailaliman; sila ay tumungo sa kailaliman na tulad ng isang bato. |
1927 | EXO 15:6 | Ang iyong kanang kamay, Yahweh, ay maluwalhati sa kapangyarihan; ang iyong kanang kamay, Yahweh, ang dumurog sa mga kaaway. |
1928 | EXO 15:7 | Sa dakilang kaluwalhatian iyong ibinabagsak ang mga bumabangon laban sa iyo. Inilabas mo ang iyong poot; tinupok mo sila gaya ng pinaggapasan. |
1929 | EXO 15:8 | Sa pamamagitan ng bugso ng butas ng iyong ilong ang mga tubig ay nagtipon; ang mga dumadaloy na tubig ay tumayong matuwid na isang bunton; ang malalim na tubig ay namuo sa puso ng dagat. |
1930 | EXO 15:9 | Sinabi ng kaaway, 'Hahabol ako, mangunguna ako, ipamamahagi ko ang nasamsam ko; masisiyahan sila sa ang aking ninanais; Bubunutin ko ang aking espada; ang aking kamay ang sisira sa kanila.' |
1931 | EXO 15:10 | Pero ipinaihip mo ang iyong hangin at tinakpan sila ng dagat; at sa malakas na mga tubig lumubog sila na parang tingga. |
1935 | EXO 15:14 | Narinig ng bayan, at sila ay nanginginig; takot ang babalot sa mga naninirahan sa Filistia. |
1936 | EXO 15:15 | Pagkatapos ang mga pinuno ng Edom ay matatakot; ang mga sundalo ng Moab ay mayayanig; lahat ng naninirahan sa Canaan ay maglalaho. |
1956 | EXO 16:8 | Sinabi rin ni Moises, “Malalaman ninyo ito kapag binigyan kayo ni Yahweh ng karne sa gabi at tinapay sa umaga na sagana—dahil narinig niya ang mga reklamo na sinabi ninyo laban sa kanya. Sino ba si Aaron at ako? Ang inyong mga reklamo ay hindi laban sa amin; ang mga iyon ay laban kay Yahweh.” |
1977 | EXO 16:29 | Tingnan ninyo, Ako, si Yahweh ang nagbigay ng Araw ng Pamamahinga sa inyo. Kaya sa ikaanim na araw ay binibigyan ko kayo ng tinapay para sa dalawang araw. Bawat isa sa inyo ay dapat manatili sa kanyang sariling lugar; walang dapat lumabas mula sa kaniyang lugar sa ikapitong araw.” |
2003 | EXO 18:3 | At ang kaniyang dalawang anak na lalaki; Ang Pangalan ng isa niyang anak ay si Gersom, dahil sinabi ni Moises, “Naging dayuhan ako sa isang dayuhang lupain.” |
2042 | EXO 19:15 | Sinabi niya sa mga tao, “Maging handa sa ikatlong araw; huwag kayong lalapit sa inyong mga asawa.” |
2069 | EXO 20:17 | Hindi ninyo dapat kainggitan ang bahay ng iyong kapwa; hindi ninyo dapat kainggitan ang asawa ng iyong kapwa, ang kaniyang lingkod na lalaki, ang kaniyang lingkod na babae, ang kaniyang baka, kaniyang asno o anumang bagay na pag-aari ng kapwa mo.” |
2071 | EXO 20:19 | Sinabi nila kay Moises, “Makipag-usap ka sa amin at kami'y makikinig; pero huwag mong payagan makipag- usap sa amin ang Diyos, o lahat kami ay mamamatay.” |
2078 | EXO 20:26 | Huwag kang aakyat sa mga baitang patungo sa aking altar; ito ay hahadlang sa iyo mula sa paglantad ng pribadong bahagi ng iyong katawan.'” |
2083 | EXO 21:5 | Pero kung malinaw na sinasabi ng lingkod, “Mahal ko ang aking amo, aking asawa at aking mga anak; hindi ako aalis na malaya,” |
2096 | EXO 21:18 | Kung mag-aaway ang mga lalaki at may isang taong manakit ng iba tao na gamit ang bato o ang kaniyang kamao, at ang taong iyon ay hindi namatay, pero nanatiling nakahiga; |
2097 | EXO 21:19 | pagkatapos kung ito'y gumaling na at maaring makalakad gamit ang kaniyang tungkod, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon; dapat din itong magbayad para sa kaniyang ganap na gagaling. Pero ang taong iyon ay mapapawalang-sala. |
2100 | EXO 21:22 | Kung nag-aaway ang mga lalaki at makasakit ng isang babaeng buntis at nakunan siya, pero wala nang ibang sugat sa kaniya, pagkatapos ang taong salarin ay dapat magmulta; kung may mga hinihingi ang asawa ng babae mula sa kaniya, dapat siyang magbayad ayon sa napagpasyahan ng mga hukom. |
2106 | EXO 21:28 | Kung suwagin ng baka ang isang lalaki o isang babae at namatay ito, dapat batuhin ang baka, at hindi dapat kainin ang laman nito; pero mapapawalang sala ang may-ari ng baka. |
2129 | EXO 22:14 | Pero kung ang may-ari ay kasama nito, ang ibang tao ay hindi na kailangan magbayad; kung inupahan ang hayop, ito ay babayaran sa pamamagitan ng kaniyang bayad paupahan. |
2138 | EXO 22:23 | Magliliyab ang aking galit, at papatayin ko kayo sa pamamagitan ng espada; ang inyong mga asawa ay magiging balo, at ang inyong mga anak ay magiging ulila sa ama. |
2141 | EXO 22:26 | dahil iyon lamang ang kaniyang tanging pantakip; ito ay ang kaniyang damit para sa kaniyang katawan. Ano pa ang kaniyang ipangtutulog? Kapag tumawag siya sa akin, pakikinggan ko siya, dahil ako ay mahabagin. |
2199 | EXO 25:3 | Ito ang mga handog na dapat ninyong tanggapin mula sa kanila: ginto, pilak, at tanso; |
2200 | EXO 25:4 | asul, lila, at matingkad na pulang lana; pinong lino; mga buhok ng kambing; |
2201 | EXO 25:5 | mga tininang pulang balat ng lalaking tupa at balat ng hayop na nakatira sa dagat; kahoy ng akasya; |
2202 | EXO 25:6 | langis para sa mga ilawan ng santuwaryo; pampalasa para sa langis na pangpahid at ang mahalimuyak na insenso; |