57 | GEN 3:1 | Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, “Talaga bang sinabi ng Diyos, “Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?” |
65 | GEN 3:9 | Tinawag ni Yahweh na Diyos ang lalaki at sinabi sa kanya, “Nasaan ka?” |
67 | GEN 3:11 | Sinabi ng Diyos, “Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? Kumain ka ba mula sa punong iniutos kong huwag mong kakainan?” |
69 | GEN 3:13 | Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, “Ano ba itong ginawa mo?” Sinabi ng babae, “Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako.” |
89 | GEN 4:9 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?” |
363 | GEN 15:2 | Sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?” |
369 | GEN 15:8 | Sinabi niya, “Panginoong Yahweh, paano ko malalaman na mamanahin ko ito?” |
390 | GEN 16:8 | Sinabi niya, “Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Sinabi niya, “Tumakas ako mula sa aking among babae na si Sarai”. |
395 | GEN 16:13 | Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, “Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin,” dahil sinabi niya, “Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?” |
434 | GEN 18:9 | Sinabi nila sa kanya, “Nasaan ang iyong asawa na si Sarah?” Sumagot siya, “Naroon sa loob ng tolda.” |
437 | GEN 18:12 | Kaya tinawanan ni Sarah ang kaniyang sarili at sinabing,” “Ngayong matanda na ako, magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan, gayong ang panginoon ko ay matanda na rin?” |
450 | GEN 18:25 | Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?” |
506 | GEN 20:10 | Sinabi ni Abimelech kay Abraham, “Ano ang nagtulak sa iyo na gawin mo ang bagay na ito?” |
543 | GEN 21:29 | Sinabi ni Abimelek kay Abraham, “Anong kahulugan nitong pitong babaeng tupang ibinukod mo?” |
555 | GEN 22:7 | Kinausap ni Isaac si Abraham na kaniyang ama at sinabing, “Aking ama,” at sumagot si Abraham, “Narito ako, aking anak.” Sinabi niya, “Narito, ang apoy at ang kahoy, ngunit nasaan ang tupa para sa handog na susunugin?” |
615 | GEN 24:23 | at nagtanong, “Kaninong anak ka? Pakiusap sabihin mo sa akin, mayroon bang silid ang bahay ng ama mo na maaari naming pagpalipasan ng gabi?” |
650 | GEN 24:58 | Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong siya, “Sasama ka ba sa lalaking ito?” Sumagot siya, “Sasama ako.” |
657 | GEN 24:65 | Sinabi niya sa lingkod, sino iyong lalaking naglalakad sa bukid upang salubungin tayo?” Sinabi ng lingkod, “Iyon ang aking amo.” Kaya kinuha niya ang kanyang belo, at tinakpan ang sarili. |
681 | GEN 25:22 | Ang mga bata ay magkasamang nagtunggali sa loob niya at sinabi niya, “Bakit ito nangyayari sa akin?” Tinanong niya si Yahweh tungkol dito. |
691 | GEN 25:32 | Sabi ni Esau “Tingnan mo, ako ay halos mamamatay na. Ano ang kabutihan ng karapatan ng unang isinilang sa akin?” |
720 | GEN 26:27 | Sinabi ni Isaac sa kanila, “Bakit kayo naparito sa akin, samantalang galit kayo sa akin at pinaalis ninyo ako palayo sa inyo?” |
746 | GEN 27:18 | Pumunta si Jacob sa kanyang ama at nagsabi, “Ama ko.” Sinabi niya, “Narito ako; sino ka, anak ko?” |
748 | GEN 27:20 | Sinabi ni Isaac sa kanyang anak, “Paano mo itong natagpuan nang napakabilis, anak ko?” Sinabi niya, “Dahil si Yahweh na iyong Diyos ay dinala ito sa akin.” |
752 | GEN 27:24 | Sinabi niya, “Ikaw ba talaga ang anak kong si Esau?” Sumagot siya, “Ako nga.” |
760 | GEN 27:32 | Ang kanyang amang si Isaac ay nagsabi sa kanya, “Sino ka?” Sinabi niya, “Ako ang anak mo, ang unang anak mong si Esau.” |
764 | GEN 27:36 | Sinabi ni Esau, “Hindi ba tama lang na pinangalanan siyang Jacob? Dahil dinaya niya ako sa dalawang pagkakataong ito. Inagaw niya ang aking karapatan ng isinilang at tingnan mo, ngayon ay inagaw niya ang aking pagpapala.” At sinabi niya, “Wala ka bang naitabing pagpapala para sa akin?” |
765 | GEN 27:37 | Sumagot si Isaac at sinabi kay Esau, “Tingnan mo, nagawa ko na siyang amo mo at naibigay ko na sa kanya ang lahat ng mga kapatid niya bilang alipin. At nabigyan ko siya ng butil at bagong alak. Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?” |
773 | GEN 27:45 | hanggang mawala ang galit ng kapatid mo sa iyo, at malimutan niya ang ginawa mo sa kanya. Pagkatapos magpapadala ako at ibabalik ka mula roon. Bakit kailangang kapwa kayong mawala sa akin sa isang araw?” |
774 | GEN 27:46 | Sinabi ni Rebeca kay Isaac, “Ako ay pinanghihinaan sa buhay dahil sa mga anak na babae ni Heth. Kung kunin ni Esau na asawa ang isa sa mga anak ni Heth, tulad ng mga kababaihang ito, ilan sa mga anak na babae ng lupain, ano pa ang kabuluhan ng buhay ko?” |
800 | GEN 29:4 | Sinabi ni Jacob sa kanila, “Mga kapatid ko, saan kayo nanggaling?” At sinabi nila, “Kami ay nanggaling sa Haran”. |
801 | GEN 29:5 | Sinabi niya sa kanila, “Kilala ba ninyo si Laban na anak ni Nahor?” At sinabi nila, “Kilala namin siya”. |
802 | GEN 29:6 | Sinabi niya sa kanila “Mabuti ba ang kalagayan niya?” Sinabi nila, “Mabuti naman siya, at, tumingin ka roon, si Raquel na kanyang anak ay paparating kasama ang mga tupa.” |
811 | GEN 29:15 | Pagkatapos sinabi ni Laban kay Jacob, “Pagsisilbihan mo ba ako sa wala dahil kamag-anak mo ako? Sabihin mo sa akin, ano ang iyong magiging kabayaran?” |
821 | GEN 29:25 | Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, “Ano ba itong ginawa mo sa akin?” Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?” |
833 | GEN 30:2 | Ang galit ni Jacob ay nagsiklab laban kay Raquel. Sinabi niya, “Nasa lugar ba ako ng Dios, na pumigil sa iyo na magkaanak?” |
846 | GEN 30:15 | Sinabi ni Lea kay Raquel, “Maliit na bagay lang ba sa iyo na kinuha mo ang aking asawa? Ngayon gusto mo namang kunin din ang mga halaman ng mendreik ng aking anak?” Sinabi ni Raquel, “Matutulog siya kasama mo ngayong gabi, bilang kapalit sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak.” |
861 | GEN 30:30 | Dahil kakaunti lang ang mayroon ka bago ako dumating, at dumami ito nang dumami. Pinagpala ka ni Yahweh saan man ako nagtrabaho. Ngayon kailan naman ako maghahanda para sa aking sariling sambahayan?” |
862 | GEN 30:31 | Kaya sinabi ni Laban, “Ano ang ibabayad ko sa iyo?” Sinabi ni Jacob, “Hindi mo ako bibigyan ng anumang bagay. Kung gagawin mo ang bagay na ito para sa akin, pakakainin ko ulit at iingatan ang iyong mga kawan. |
904 | GEN 31:30 | At ngayon, lumayo ka dahil labis ka nang nangulila sa bahay ng iyong ama. Ngunit bakit mo ninakaw ang aking mga diyos?” |
956 | GEN 32:28 | Sinabi ng tao sa kanya, “Ano ang pangalan mo?” Sinabi ni Jacob, “Jacob.” |
958 | GEN 32:30 | Tinanong siya ni Jacob, “Pakiusap sabihin mo sa akin ang iyong pangalan.” Sinabi nito, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan?” Pagkatapos siya ay kanyang pinagpala. |
966 | GEN 33:5 | Nang tumingala si Esau, nakita niya ang mga babae at mga bata. Sinabi niya, “Sino itong mga taong kasama mo?” Sinabi ni Jacob, “Ang mga anak na malugod na ipinagkaloob ng Diyos sa iyong lingkod.” |
969 | GEN 33:8 | Sinabi ni Esau, “Anong ibig mong sabihin sa lahat ng mga pangkat na nasalubong ko?” Sinabi ni Jacob, “Upang makasumpong ako ng pabor sa paningin ng aking panginoon.” |
1012 | GEN 34:31 | Ngunit sinabi ni Simeon at Levi, “Maari bang pakitunguhan ni Sechem ang aming kapatid na katulad ng babaeng bayaran?” |
1094 | GEN 37:10 | Sinabi niya ito sa kanyang ama pati sa kanyang mga kapatid, at pinagsabihan siya ng kanyang ama. Sinabi niya sa kanya, “Ano itong panaginip na napaginipan mo? Talaga bang lalapit ang iyong ina, ako at ang mga kapatid mo para yumuko sa iyo sa lupa?” |
1099 | GEN 37:15 | May isang taong nakakita kay Jose. Masdan mo, si Jose ay pagala-gala sa isang bukid. Tinanong siya ng isang lalaki, “Ano ang hinahanap mo?” |
1114 | GEN 37:30 | Bumalik siya sa kanyang mga kapatid at sinabi, “Nasaan na ang bata? At ako, saan ako paparoon?” |
1116 | GEN 37:32 | Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita namin ito. Pakiusap tingnan mo kung ito ang damit ng inyong anak o hindi?” |
1136 | GEN 38:16 | Pumunta siya sa kanya sa tabing daan at sinabi, “Halika, pakiusap hayaan mo akong sumiping sa iyo.”- Dahil di niya alam na siya ang manugang niya- at sinabi niya, “Anong ibibigay mo sa akin para sipingan kita?” |
1137 | GEN 38:17 | Sinabi niya, “Papadalhan kita ng isang batang kambing na mula sa kawan.” Sinabi niya, “Maaari mo ba akong bigyan ng isang sangla hanggang maipadala mo ito?” |
1138 | GEN 38:18 | Sinabi niya, “Anong sangla ang maaari kong ibigay sa iyo?” At sinabi niya, “Ang inyong selyo at kordon, at ang tungkod na nasa iyong kamay.” Ibinigay ito sa kanya at sinipingan siya. Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya. |
1159 | GEN 39:9 | Walang mas nakakataas sa pamamahay na ito maliban sa akin. Wala siyang anumang pinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil ikaw ang asawa niya. Paano ko kaya magagawa itong malaking kasamaan at magkakasala laban sa Diyos?” |
1180 | GEN 40:7 | Tinanong niya ang mga opisyal ni Paraon na kasama niya sa pagbabantay sa bahay ng kanyang amo, nagsasabing, “Bakit kayo labis na malungkot ngayong araw na ito?” |
1234 | GEN 41:38 | Sinabi ni Paraon sa kaniyang mga lingkod, “Makakasumpong kaya tayo ng ganitong tao, na kinakasihan ng Espiritu ng Diyos?” |
1254 | GEN 42:1 | Ngayon, napagalaman ni Jacob na may butil sa Ehipto. Sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, “Bakit kayo nakatingin sa isa't isa?” |
1260 | GEN 42:7 | Nakita ni Jose ang kanyang mga lalaking kapatid at nakilala niya ang mga ito, ngunit nagpanggap siya sa kanila at nagsalita ng marahas sa kanila. Sinabi niya sa kanila, “Saan kayo nanggaling?” Sinabi nila, “Mula po sa lupain ng Canaan para bumili ng pagkain.” |
1281 | GEN 42:28 | Sinabi niya sa kanyang mga lalaking kapatid, “Ang aking salapi ay naibalik sa akin. Tingnan ninyo itong nasa aking sako.” At ang kanilang mga puso ay nangabagabag at ang lahat ay nanginig. Sinabi nila, “Ano itong ginawa sa atin ng Diyos?” |
1297 | GEN 43:6 | Sinabi ni Israel, “Bakit mo ako pinakikitunguhan ng masama sa pamamagitan ng pagsasabi sa taong iyon na meron pa kayong isang kapatid?” |
1298 | GEN 43:7 | Sinabi nila, “Nagtanong ang lalaki ng mga bagay tungkol sa amin at sa ating pamilya. Sinabi niya, 'Buhay pa ba ang iyong ama? Mayroon pa ba kayong ibang kapatid?' Sinagot namin siya ayon sa mga tanong na ito. Paano namin malalaman na sasabihin niyang, “Dalhin mo dito ang iyong kapatid?” |
1318 | GEN 43:27 | Tinanong niya sila tungkol sa kanilang kalagayan at nagsabing, “Mabuti ba ang kalagayan ng inyong ama, ang matanda na inyong binabanggit? Buhay pa ba siya?” |
1340 | GEN 44:15 | Sinabi ni Jose sa kanila, “Ano itong ginagawa ninyo? Hindi ba ninyo alam na ang lalaking tulad ko ay bihasa sa panghuhula?” |
1362 | GEN 45:3 | Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Ako si Jose. Buhay pa ba ang aking ama?” Ang kanyang mga kapatid na lalaki ay hindi makasagot sa kanya, sapagkat sila ay nabigla sa kanyang presensiya. |
1424 | GEN 47:3 | Sinabi ng Paraon sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Ano ang hanapbuhay ninyo?” Sinabi nila sa Paraon, “Ang iyong mga lingkod ay mga pastol, katulad ng aming mga ninuno. |
1429 | GEN 47:8 | Sinabi ng Paraon kay Jacob, “Gaano ka na katagal nabubuhay?” |
1460 | GEN 48:8 | Nang nakita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, sinabi niya. “Kanino ang mga ito?” |
1522 | GEN 50:15 | Nang nakita ng mga kapatid na lalaki ni Jose na ang kanilang ama ay patay na, sinabi nila, “Paano kung si Jose ay may dinadala pang sama ng loob at nais niyang pagbayarin tayo ng buo para sa lahat ng kasamaan na ginawa natin sa kanya?” |
1551 | EXO 1:18 | Pinatawag ng hari ng Ehipto ang mga komadrona at sinabi sa kanila, “Bakit pinabayaan ninyo na mabuhay ang mga lalaking sanggol?” |
1562 | EXO 2:7 | Pagkatapos sinabi ng kapatid na babae ng bata sa anak na babae ni Paraon, “Maaari ba akong pumunta at kumuha ng isang babaeng Hebreo para alagaan ang sanggol para sa iyo?” |
1568 | EXO 2:13 | Lumabas siya nang sumunod na araw, at, nakita ang dalawang Hebreo na nag-aaway. Sinabi niya sa isang may sala, “Bakit mo sinasaktan ang iyong kasamahan?” |
1573 | EXO 2:18 | Nang pumunta ang mga babae kay Reuel na kanilang ama, sinabi niya, “Bakit maaga kayong nakauwi ngayong araw?” |
1591 | EXO 3:11 | Pero sinabi ni Moises sa Diyos, “Sino ba ako, na dapat akong magpunta kay Paraon at dalhin ang mga Israelita mula sa Ehipto?” |
1593 | EXO 3:13 | Sinabi ni Moises sa Diyos, “Pagpunta ko sa mga Israelita at sabihin sa kanilang, 'Ang Diyos ng inyong mga ninuno ay pinadala ako sa inyo,' at kung sabihin nila sa akin, 'Ano ang pangalan niya?' ano ang dapat kong sabihin sa kanila?” |
1604 | EXO 4:2 | Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ano iyang nasa kamay mo?” Sinabi ni Moises, “Isang tungkod.” |
1647 | EXO 5:14 | Binubugbog ng mga mahihigpit na tagapangasiwa ni Paraon ang mga katiwala na Israelita, iyon ding taong nilalagay nila bilang pinuno sa mga manggagawa. Palaging tinatanong ng mga mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila, “Bakit hindi ninyo naibibigay ang lahat ng hinihinging laryo sa inyo, maski kahapon at ngayon, na dati ninyong ginagawa?” |
1668 | EXO 6:12 | Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Kung ang mga Israelita ay hindi nakinig sa akin, bakit makikinig si Paraon sa akin, gayong hindi ako magaling sa pagsasalita?” |
1686 | EXO 6:30 | Pero sinabi ni Moises kay Yahweh, “Hindi ako magaling sa pagsasalita, kaya bakit makikinig si Paraon sa akin?” |
1785 | EXO 10:7 | Sinabi ng mga lingkod ni Paraon sa kaniya, “Gaano ba katagal na magiging pahamak ang taong ito sa atin? Hayaan mo nang umalis ang mga Israelita para makasamba kay Yahweh na kanilang Diyos. Hindi mo pa ba napagtanto na wasak na ang Ehipto?” |
1786 | EXO 10:8 | Muling dinala sina Moises at Aaron sa Paraon, na siyang nagsabi sa kanila, “Sige, sambahin ninyo si Yahweh na inyong Diyos. Pero anong klaseng mga tao ba ang aalis?” |
1895 | EXO 14:5 | Nang sinabihan ng hari ng Ehipto na ang mga Israelita ay nakatakas, ang isipan ni Paraon at ng kaniyang mga lingkod ay bumaliktad laban sa bayan. Sinabi nila, “Anong ginawa natin at hinayaan nating makalaya ang mga Israelita mula sa pagtrabaho para sa atin?” |
1955 | EXO 16:7 | Sa umaga ay makikita ninyo ang kaluwalhatian ni Yahweh, dahil naririnig niya ang inyong pagrereklamo laban sa kaniya. Sino ba kami para kayo ay magreklamo laban sa amin?” |
1963 | EXO 16:15 | Nang makita iyon ng bayan ng Israel, sinabi nila sa isa't isa, “Ano ito?” Hindi nila alam kung ano iyon. Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang tinapay na bigay ni Yahweh sa inyo para kainin. |
1986 | EXO 17:2 | Kaya sinisi ng mga tao si Moises dahil sa kanilang kalagayan at sinabing, “Bigyan mo kami ng tubig na maiinom.” Sinabi ni Moises, “Bakit kayo makikipagtalo sa akin?” Bakit sinusubok ninyo si Yahweh?” |
1987 | EXO 17:3 | Labis na nauuhaw ang mga tao, at nagreklamo laban kay Moises. Sinabi nila, “Bakit dinala mo kami palabas sa Ehipto? Para patayin kami at ang aming mga anak pati mga baka sa pagkauhaw?” |
1991 | EXO 17:7 | Tinawag niya ang lugar na iyon na Massah at Meribah dahil sa pagrereklamo ng mga Israelita at dahil sinubukan nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagsabing, “Kasama ba natin si Yahweh o hindi?” |
2014 | EXO 18:14 | Nang nakita ni Jetro ang lahat ng ginawa ni Moises para sa bayan, sinabi niya, “Ano ba itong ginawa mo sa bayan? Bakit nauupo kang mag-isa at ang lahat ng tao ay nakatayo na nakapalibot sa iyo mula umaga hanggang gabi?” |
2460 | EXO 32:21 | Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ano ang ginawa ng mga taong ito sa iyo, na dinala mo ang ganyang dakilang kasalanan sa kanila?” |
2997 | LEV 10:19 | Pagkatapos sumagot si Aaron kay Moises, “Tingnan mo, ngayon ginawa nila ang kanilang handog para sa kasalanan at handog na susunugin sa harapan ni Yahweh, at ang bagay na ito ay nangyari sa akin ngayon. Kung kinain ko ang handog para sa kasalanan ngayon, magiging kaaya-aya ba ito sa paningin ni Yahweh?” |
3973 | NUM 9:7 | Sinabi ng mga lalaking iyon kay Moises, “Marumi kami dahil sa patay na katawan ng isang tao. Bakit mo kami pinipigilan sa pag-aalay ng handog kay Yahweh sa panahon panahon ng bawat taon sa mga tao ng Israel?” |
4062 | NUM 12:2 | Sinabi nila, “Kay Moises lamang ba nagsalita si Yahweh? Hindi rin ba siya nagsalita sa amin?” Ngayon narinig ni Yahweh kung ano ang kanilang sinabi. |
4068 | NUM 12:8 | Tuwiran akong nagsasalita kay Moises, hindi sa pamamagitan ng mga pangitain o mga bugtong. Nakikita niya ang aking anyo. Kaya bakit hindi kayo takot na magsalita laban sa aking lingkod, laban kay Moises?” |
4112 | NUM 14:3 | Bakit tayo dinala ni Yahweh sa lupaing ito upang mamatay sa pamamagitan ng espada? Ang ating mga asawa at mga maliliit na anak ay magiging mga biktima. Hindi ba mas mabuti para sa atin na bumalik sa Ehipto?” |
4198 | NUM 16:3 | Nagkatipon sila upang harapin sina Moises at Aaron. Sinabi nila sa kanila, “Kumukuha kayo nang labis para sa inyong mga sarili. Ang buong sambayanan ay banal, inilaan kay Yahweh, ang bawat isa sa kanila, at si Yahweh ay kasama nila. Bakit ninyo inaangat ang inyong mga sarili sa ibabaw ng natitirang sambayanan ni Yahweh?” |
4206 | NUM 16:11 | Iyon ang dahilan kung bakit ikaw at lahat ng iyong pangkat ay nagkatipon laban kay Yahweh. Kaya bakit kayo nagrereklamo tungkol kay Aaron, na sumusunod kay Yahweh?” |
4217 | NUM 16:22 | Nagpatirapa sila Moises at Aaron at sinabi, “Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng buong sangkatauhan, kung nagkakasala ang isang tao, dapat kabang magalit sa buong sambayanan?” |
4258 | NUM 17:28 | Mamamatay ang bawat isang umaakyat, na lumalapit sa tabernakulo ni Yahweh. Dapat ba kaming mamatay lahat?” |
4322 | NUM 20:10 | At tinipong magkakasama nina Moises at Aaron ang kapulungan sa harap ng bato. Sinabi ni Moises sa kanila, “Makinig kayo ngayon, kayong mga mapaghimagsik. Dapat ba kaming magpadaloy ng tubig mula sa batong ito para sa inyo?” |
4385 | NUM 22:9 | Nagpunta ang Diyos kay Balaam, at sinabi, “Sino ang mga lalaking ito na nagpunta sa iyo?” |
4404 | NUM 22:28 | Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang bibig ng asno para magsalita siya. Sinabi niya kay Balaam, “Ano ang aking ginawa sa iyo na nag-udyok sa iyo na hampasin ako nitong makaikatlo beses?” |
4406 | NUM 22:30 | Sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi ba ako ang iyong asno na sinasakyan mo sa buong buhay mo hanggang sa mga araw na ito? Ugali ko bang gawin ang mga ganitong bagay sa iyo dati?” Sinabi ni Balaam, “Hindi.” |
4413 | NUM 22:37 | Sinabi ni Balak kay Balaam, “Hindi ba ako nagpadala ng mga tauhan upang ipatawag ka? Bakit hindi ka pumunta sa akin? Wala ba akong kakayahan na bigyan ka ng karangalan?” |