438 | GEN 18:13 | Sinabi ni Yahweh kay Abraham, “Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?' |
639 | GEN 24:47 | Tinanong ko siya at sinabing, 'Kaninong anak ka?' Sinabi niya, 'Ang babaing anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.' Pagkatapos inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong at ang pulseras sa kanyang mga braso. |
946 | GEN 32:18 | Inutusan niya ang unang lingkod, na nagsasabing, “Kapag salubungin kayo ng aking kapatid at tanungin kayo, na nagsasabing, 'Kanino kayo nabibilang? Saan kayo pupunta? At kanino naman itong mga hayop sa harap ninyo?' |
1298 | GEN 43:7 | Sinabi nila, “Nagtanong ang lalaki ng mga bagay tungkol sa amin at sa ating pamilya. Sinabi niya, 'Buhay pa ba ang iyong ama? Mayroon pa ba kayong ibang kapatid?' Sinagot namin siya ayon sa mga tanong na ito. Paano namin malalaman na sasabihin niyang, “Dalhin mo dito ang iyong kapatid?” |
1593 | EXO 3:13 | Sinabi ni Moises sa Diyos, “Pagpunta ko sa mga Israelita at sabihin sa kanilang, 'Ang Diyos ng inyong mga ninuno ay pinadala ako sa inyo,' at kung sabihin nila sa akin, 'Ano ang pangalan niya?' ano ang dapat kong sabihin sa kanila?” |
1843 | EXO 12:26 | Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?' |
1882 | EXO 13:14 | Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin. |
4037 | NUM 11:12 | Ako ba ang nagsilang sa kanila upang sabihin mo sa akin, 'Dalhin mo sila sa iyong kandungan tulad ng pagdadala ng isang ama sa isang sanggol?' Kailangan ko ba silang dalhin sa lupain na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno upang ibigay sa kanila? |
5108 | DEU 6:20 | Kung tatanungin kayo ng inyong mga anak pagdating ng panahon, sa pagsasabing, 'Anong ibig sabihin sa mga bagay na ito—ang tipan ng mga kautusan, ang mga batas, at ang ibang mga kautusan na iniutos ni Yahweh na ating Diyos?' |
5161 | DEU 9:2 | isang malalakas na mga tao at matatangkad, ang mga anak na lalaki ng Anakim, na kilala ninyo, at siyang narinig ninyong sinabi ng mga tao, 'Sino ang makakapanindigan sa harapan ng mga anak na lalaki ni Anak?' |
5705 | DEU 29:23 | sasabihin nilang lahat kasama ng lahat ng ibang mga bansa, 'Bakit ito ginawa ni Yahweh sa lupaing ito? Ano ang kahulugan ng init ng labis na galit na ito?' |
5722 | DEU 30:12 | hindi ito nasa langit, para sabihin ninyo, “Sinong nais umakyat sa atin sa langit at dalhin ito pababa sa atin at maaari nating marinig ito, para magawa natin ito?' |
5723 | DEU 30:13 | Maging ito ay sa ibayo ng dagat, para inyong masabi, 'Sino sa atin ang pupunta sa ibayong dagat para dalhin ito sa atin at marinig natin, at para magawa natin ito?' |
5747 | DEU 31:17 | Pagkatapos, sa araw na iyon, ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, at iiwanan ko sila, ikukubli ko ang aking mukha mula sa kanila, at sasakmalin sila. Maraming mga sakuna at kaguluhan ang mapapa sa kanila, para kanilang sabihin sa araw na iyon, 'Ang mga sakuna ba ito ay natagpuan ako dahil ang ating Diyos ay wala sa aming kalagitnaan?' |
5918 | JOS 4:6 | Magiging isa itong palatandaan sa inyong kalagitnaan para sa inyo kapag nagtanong ang inyong mga anak sa mga darating na mga araw, 'Ano ang kahulugan ng mga batong ito sa inyo?' |
5933 | JOS 4:21 | Sinabi niya sa bayan ng Israel, “Kapag tinanong ng inyong mga kaapu-apuhan ang kanilang mga ama sa darating na mga panahon, 'Ano ang mga batong ito?' |
6621 | JDG 4:20 | Sinabi niya sa kaniya, “Tumayo ka sa bungad ng tolda at kung may dumating at magtanong sa iyo, 'May tao ba riyan?' sabihing, 'Wala'.” |
6653 | JDG 5:28 | Sa labas ng isang bintana tumingin siya — tumingin ang ina ni Sisera mula sa sala-sala at sumigaw siya sa lubos na kalungkutan 'Bakit napakatagal dumating ng kaniyang karwahe? Bakit natagalan ang tunog ng mga paa ng mga kabayong humihila ng kaniyang mga karwahe?' |
6655 | JDG 5:30 | 'Hindi ba nila natagpuan at hinati ang mga nakuha sa panloloob? —Ang sinapupunan, ang dalawang sinapupunan para sa bawat lalaki; ang nakuha sa panloloob na tininang damit para kay Sisera, ang nadarambong na tininang damit na burdado, ang dalawang tininang damit na burdado para sa mga leeg ng manloloob?' |
6669 | JDG 6:13 | Sinabi ni Gideon sa kaniya, “O, aking panginoon, kung si Yahweh ay kasama namin, bakit nagyayari ang lahat ng ito sa amin? Nasaan na ang lahat ng kaniyang mga dakilang gawa na sinabi sa amin ng aming mga ama, nang sinabi nilang, 'Hindi ba si Yahweh ang nag-alis sa atin mula sa Ehipto?' Pero ngayon pinabayaan kami at ibinigay kami ni Yahweh sa kapangyarihan ng Midian.” |
6758 | JDG 9:2 | “Pakiusap sabihin mo ito, para makarinig ang lahat ng mga pinuno ng Shekem, 'Ano ang mas mabuti para sa inyo: maghari sa inyo ang lahat ng pitumpung anak na lalaki ni Jerub Baal, o isa lang ang maghari sa inyo?' Alalahaning ako ay inyong buto at inyong laman.” |
6765 | JDG 9:9 | Pero sinabi ng puno ng olibo sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking langis, na ginagamit para parangalan ang mga diyos at sangkatauhan, para umalis ako pabalik, para lang umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' |
6767 | JDG 9:11 | Pero sinabi ng puno ng igos sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking tamis at aking maayos na bunga, para lang makabalik ako at umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' |
6769 | JDG 9:13 | Sinabi ng puno ng ubas sa kanila, 'Dapat ko bang bitawan ang aking bagong alak, na nagpapaligaya sa mga diyos at sangkatauhan, at bumalik at umuyog sa ibabaw ng ibang mga puno?' |
6794 | JDG 9:38 | Pagkatapos sinabi ni Zebul sa kaniya, “Nasaan na ang iyong mapagmalaking mga salita ngayon, ikaw na nagsabing, 'Sino si Abimelec na dapat namin paglingkuran?' Hindi ba ito ang mga lalaking kinamumuhian mo? Lumabas ka ngayon at makipaglaban sa kanila.” |
7271 | 1SA 2:29 | Sa gayon, bakit ninyo hinahamak ang aking mga alay at mga handog na aking kinakailangan sa lugar kung saan ako naninirahan? Bakit ninyo pinarangalan ang inyong mga anak na lalaki na higit sa akin sa pamamagitan ng pagpapataba ng inyong sarili ng mga mainam ng bawat handog ng aking bayang Israel?' |
7459 | 1SA 11:12 | Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Samuel, “Sino iyong nagsabing, 'Maghahari ba sa atin si Saul?' Dalhin ang mga lalaki upang mapatay namin sila.” |
7851 | 1SA 24:10 | Sinabi ni David kay Saul, “Bakit ka nakikinig sa mga kalalakihan na nagsabing, “Tingnan mo, gusto kang saktan ni David?' |
8033 | 2SA 1:8 | Sinabi niya sa akin, 'Sino ka?' Sinagot ko siya, 'Ako ay taga-Amalek.' |
8283 | 2SA 11:21 | Sino ang pumatay kay Abimelec anak na lalaki Jerubeset? Hindi ba isang babae ang naghagis ng isang gilingang pang-ibabaw sa kaniya mula sa pader, kaya namatay siya sa Tebez? Bakit kayo lumapit ng husto sa pader?' Kung gayon ang dapat mong isagot, 'Ang lingkod mong si Urias na isa Heteo ay patay na rin.'” |
8311 | 2SA 12:22 | Sumagot si David, “Habang buhay pa ang bata nag-ayuno ako at umiyak. Sinabi ko, 'Sinong nakakaalam kung kaaawaan ako ni Yahweh o hindi na maaaring mabuhay ang bata?' |
8526 | 2SA 19:13 | Kayo ang aking mga kapatid na lalaki, aking laman at buto. Bakit kayo ang huling magdadala sa hari pabalik?' |
8733 | 1KI 1:13 | Pumunta ka kay Haring David; sabihin mo sa kaniya, 'Aking panginoong hari, hindi ba't sumumpa ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, “Tiyak na si Solomon na iyong anak ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono?” Kung ganon, bakit naghahari si Adonias?' |
8744 | 1KI 1:24 | Sinabi ni Nathan, “Aking panginoong hari, sinabi mo bang, 'Si Adonias ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono?' |
8815 | 1KI 2:42 | nagsugo ang hari at pinatawag si Semei at sinabi sa kaniyang, “Hindi ba kita pinanumpa kay Yahweh, at nagpatotoo sa iyo, sinasabi ko, 'Dapat mong malaman na sa araw na aalis ka at pupunta sa ibang lugar, tiyak na mamamatay ka?' Pagkatapos ay sinabi mo sa akin, 'Ang sinabi mo ay mabuti.' |
9498 | 1KI 22:15 | Nang lumapit siya sa hari, sinabi sa kaniya ng hari, “Micaya, dapat ba kaming pumunta sa Ramot Galaad upang makipaglaban, o hindi?' Sumagot si Micaya, “Lumusob tayo at manalo. Ilalagay ito ni Yahweh sa kamay ng hari.” |
10186 | 2KI 23:17 | Pagkatapos sinabi niya, “Anong bantayog iyon na nakikita ko?' Sinabi sa kaniya ng mga lalaki ng lungsod, “Iyon ay ang libingan ng lingkod ng Diyos na nanggaling sa Juda at nagsalita tungkol sa mga bagay na ito na kagagawa mo lamang laban sa altar ng Bethel.” |
11350 | 2CH 7:21 | At kahit na ang templong ito sa ngayon ay matayog, magugulat ang lahat na dadaan dito at susutsut. Tatanungin nila, 'Bakit ginawa ito ni Yahweh sa lupain ito at sa tahanang ito?' |
12148 | EZR 5:9 | Tinanong namin ang mga nakatatanda, 'Sino ang nagbigay sa inyo ng utos para itayo ang tahanang ito at ang mga pader na ito?' |
13004 | JOB 6:22 | 'Sinabi ko ba sa inyo na bigyan ninyo ako ng kahit ano?' 'O, regaluhan ninyo ako mula sa inyong kayamanan?' |
13005 | JOB 6:23 | O, 'Iligtas ako mula sa kamay ng aking kalaban?' O, 'Tubusin ako sa kamay ng mga nang-aapi sa akin?' |
13074 | JOB 9:19 | Kung kami ay nagsasalita tungkol sa kalakasan, bakit, siya ay makapangyarihan! At kung pinag-uusapan natin ang tungkol sa katarungan, 'Sino,' sabi niya, 'ang magtatanong sa akin?' |
13230 | JOB 15:23 | Gumagala siya sa iba-ibang mga lugar dahil sa tinapay, na sinasabing, 'Nasaan na ito?' Nalalaman niya ang araw ng kadiliman ay malapit na. |
13337 | JOB 20:7 | pero maglalaho ang taong iyon katulad ng kaniyang dumi; sasabihin ng mga nakakita sa kaniya, 'Nasaan siya?' |
13374 | JOB 21:15 | Sino ba ang Makapangyarihan, na dapat namin siyang sambahin? Anong kapakinabangan ang makukuha namin kung nagdasal kami sa kaniya?' |
13387 | JOB 21:28 | Dahil sinasabi ninyo, 'Nasaan na ngayon ang tahanan ng prinsipe? Nasaan na ang tolda na minsang pinapamahayan ng masama?' |
13410 | JOB 22:17 | ang mga nagsabi sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin'; ang mga nagsabing, 'Ano ba ang kayang gawin ng Makapangyarihan sa atin?' |
13735 | JOB 35:11 | na nagtuturo sa amin na mas higit sa pagtuturo niya sa mga hayop sa lupa, at ginagawa kaming mas matalino kaysa sa mga ibon sa himpapawid?' |
13763 | JOB 36:23 | Sino ang minsang nagturo tungkol sa kaniyang pamumuhay? Sino ang makapagsasabi sa kaniya, “Nakagawa ka ng kasamaan?' |
13929 | JOB 42:3 | Tinanong mo ako, 'Sino ba itong walang nalalaman na nagdadala ng kadiliman sa aking mga plano?' Kaya sinabi ako ang mga bagay na hindi ko naintindihan, mga bagay na napakahirap para maunawaan ko, na hindi ko alam. |
18641 | ISA 45:10 | Kaawa-awa ang nagsasabi sa isang ama, Para saan pa ang iyong pagiging ama? o sa isang babae, 'para saan at ikaw ay manganganak pa?' |
18642 | ISA 45:11 | Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Banal ng Israel, kaniyang Manlilikha: tungkol sa mga bagay na darating, tinatanong ninyo ba ako tungkol sa aking mga anak? Sasabihin niyo ba sa akin kung ano ang gagawin ko sa gawa ng aking mga kamay?' |
19040 | JER 2:6 | Hindi nila sinabi, 'Nasaan si Yahweh, ang nagpalaya sa atin mula sa lupain ng Egipto? Nasaan si Yahweh, ang nanguna sa atin sa ilang sa lupain ng Araba, sa may tuyong hukay at madilim na lupain, ang lupaing hindi nilalakaran at walang sinuman ang naninirahan?' |
19042 | JER 2:8 | Hindi sinabi ng pari, 'Nasaan si Yawheh?' at hindi ako inalala ng mga dalubhasa sa batas! Lumabag ang mga pastol laban sa akin. Nagpahayag ang mga propeta para kay Baal at lumakad sa hindi kapaki-pakinabang na mga bagay. |
19072 | JER 3:1 | “Sinabi nila, 'Pinapaalis ng isang lalaki ang kaniyang asawa, kaya umalis siya at naging asawa ng ibang lalaki. Dapat ba siyang bumalik muli sa kaniyang asawang babae? Hindi ba siya ganap ng marumi?' Ang babaing iyan ay ang lupaing ito! Kumilos ka na gaya ng babaing bayaran na may maraming kakampi at ngayon nais mo bang bumalik sa akin? Ito ang pahayag ni Yahweh. |
19076 | JER 3:5 | Magagalit ka ba magpakailanman? Palagi mo bang itatago ang iyong galit?' Tingnan mo! Ipinahayag mo na gagawa ka ng kasamaan at ginawa mo ito. Kaya ipagpatuloy mo itong gawin!” |
19146 | JER 5:19 | Mangyayari ito kapag sinabi ninyo, Israel at Juda, 'Bakit ginawa ni Yahweh na ating Diyos ang lahat ng mga bagay na ito sa atin?' At sasabihin mo Jeremias sa kanila, 'Kung paanong tinalikuran ninyo si Yahweh at sumamba sa mga dayuhang diyos sa inyong lupain, maglilingkod din kayo sa mga dayuhan sa isang lupaing hindi ninyo pag-aari.' |
19174 | JER 6:16 | Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tumayo kayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong para sa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar na mapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunit sinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.' |
19347 | JER 13:12 | Kaya dapat mong sabihin ang salitang ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyos ng Israel: Mapupuno ng alak ang bawat banga.' Sasabihin nila sa iyo, 'Hindi nga ba talaga namin alam na mapupuno ng alak ang bawat banga?' |
19357 | JER 13:22 | At maaari mong sabihin sa iyong puso, 'Bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na ito?' Sapagkat dahil ito sa napakarami mong kasamaan na itinaas ang iyong mga palda at nilapastangan ka. |
19386 | JER 15:2 | At mangyayari na sasabihin nila sa iyo, 'Saan kami dapat pumunta?' At dapat mong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Dapat mamatay ang mga nakatakda sa kamatayan; dapat sa espada ang mga nakatakda sa espada. Dapat magutom ang mga nakatakda sa pagkagutom at dapat mabihag ang mga nakatakda sa pagkabihag.' |
19586 | JER 23:33 | Kapag ang mga taong ito o isang propeta o isang pari ang magtatanong sa iyo, 'Ano ang pahayag ni Yahweh?' at dapat mong sabihin sa kanila, 'Anong pahayag? Sapagkat iniwan ko na kayo'—ito ang pahayag ni Yahweh. |
19588 | JER 23:35 | Patuloy ninyong sinasabi, bawat tao sa kaniyang kapwa at bawat tao sa kaniyang kapatid na lalaki, 'Ano ang sagot ni Yahweh?' at 'Ano ang pahayag ni Yahweh?' |
20168 | JER 48:19 | Tumayo kayo sa mga lansangan at magbantay, kayong mga tao na nakatira sa Aroer. Tanungin ninyo ang mga nagsisitakbuhan at nagsisitakas, sabihin ninyo, 'Ano ang nangyari?' |
20200 | JER 49:4 | Bakit ninyo ipinagmamalaki ang inyong lakas? Ang inyong lakas ay lilipas, mga anak na babaeng walang pananampalataya, kayo na nagtitiwala sa inyong kayamanan. Sinasabi ninyo, 'Sinong lalaban sa akin?' |
20221 | JER 49:25 | Sinasabi ng mga tao, 'Kumusta ang tanyag na lungsod, ang lungsod kung saan ako nagalak, hindi pa nililisan?' |
20758 | EZK 12:9 | “Anak ng tao, hindi ba nagtatanong sa iyo ang sambahayan ng Israel, ang mapanghimagsik na sambahayang iyon kung, 'Ano ang iyong ginagawa?' |
20771 | EZK 12:22 | “Anak ng tao, ano itong kasabihang mayroon kayo sa lupain ng Israel na nagsasabing, 'Matagal pa ang mga araw at hindi natutupad ang bawat pangitain?' |
20784 | EZK 13:7 | Hindi ba may mga pangitain kayo na hindi totoo at gumagawa kayo ng mga panghuhulang hindi totoo, kayo na mga nagsasabi, “Ito ang mga pahayag ni Yahweh” kahit hindi ko naman ito sinabi?' |
20920 | EZK 18:2 | “Ano ang ibig mong sabihin, ikaw na gumamit ng kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel at nagsasabi, 'Ang mga ama na kumain ng mga maaasim na ubas, at ang ngipin ng mga anak ay nangilo?' |
20937 | EZK 18:19 | Subalit sinasabi mo, 'Bakit hindi magawang akuin ng anak ang katampalasan ng kaniyang ama?' Dahil isinasagawa ng lalaking anak ang katarungan at katuwiran; at iniingatan ang aking mga utos at ginagawa niya ang mga ito. Tiyak na mabubuhay siya! |
21020 | EZK 21:12 | At mangyayari magtatanong sila sa iyo, 'Sa anong dahilan ka naghihinagpis?' At sabihin mo, 'Dahil sa balitang dumarating, sapagkat bawat puso ay manlulumo at bawat kamay ay manghihina! Bawat espiritu ay panghihinaan ng loob, at bawat tuhod ay mangangatog tulad ng tubig. Masdan mo! Darating at magiging gaya nito! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”' |
21359 | EZK 33:10 | Kaya ikaw, anak ng tao, sabihin mo sa sambahayan ng Israel, 'Sinasabi ninyo ito: Ang aming pagsuway at ang aming mga kasalanan ay nasa amin, at nabubulok kami dahil dito! Paano kami mabubuhay?' |
21360 | EZK 33:11 | Sabihin mo sa kanila, 'Buhay ako—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—. Hindi ko ikinagagalak ang kamatayan ng masama, sapagkat kung pagsisisihan ng masama ang kaniyang pamamaraan, kung gayon mabubuhay siya! Magsisi kayo! Magsisi kayo mula sa mga masasama ninyong pamamaraan! Sapagkat bakit ninyo kailangang mamatay, sambahayan ng Israel?' |
21375 | EZK 33:26 | Nagtiwala kayo sa inyong mga espada at gumawa ng kasuklam-suklam na mga bagay. Dinudungisan ng bawat lalaki ang asawang babae ng kanilang kapwa. Dapat ba ninyong ariin ang lupain?' |
21484 | EZK 37:18 | Kapag makipag-usap sa iyo ang iyong mga tao at sasabihin, 'Hindi mo ba sasabihin sa amin kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito?' |
21507 | EZK 38:13 | Ang Sheba at Dedan, at ang mga mangangalakal ng Tarsis kasama ang lahat ng kanilang mga batang mandirigma—sasabihin nilang lahat sa iyo, 'Pumunta ka ba dito para kunin ang mga nasamsam? Tinipon mo ba ang iyong hukbo upang nakawin ang mga bagay na kinuha sa pandarambong, upang magbuhat ng pilak at ginto, upang kumuha ng baka at ari-arian, upang kumuha pa ng mas maraming bagay na kinuha sa pagdarambong?' |
22621 | JON 2:5 | At aking sinabi, 'Pinaalis ako mula sa harapan ng iyong mga mata; gayunman ako ay muling tatanaw sa dako ng iyong banal na templo?' |
22788 | NAM 3:7 | Mangyayari ito na ang lahat ng makakakita sa iyo ay lalayo at sasabihin, 'Nawasak ang Ninive, sino ang iiyak para sa kaniya?' Saan ako makakahanap ng sinumang aaliw sa iyo?” |
22823 | HAB 2:6 | Hindi ba magbabadya ang lahat ng taong ito ng talinghaga laban sa kaniya at nanghahamak na kawikaan tungkol sa kaniya, at sasabihin, 'Aba sa taong nagpaparami nang hindi sa kaniya! Hanggang kailan mo palalakihin ang bigat ng mga panunumpa na iyong kinuha?' |
22918 | HAG 1:9 | 'Naghanap kayo ng marami, ngunit masdan ninyo! kaunti ang inyong naiuwi sa tahanan, sapagkat hinipan ko ito! Bakit?' -ito ang pahayag ng Yahweh ng mga hukbo! 'Dahil napabayaang wasak ang aking tahanan, samantlang pinapaganda ng lahat ng tao ang kanilang sariling tahanan.' |
23134 | ZEC 13:6 | Ngunit may isang magsasabi sa kaniya, 'Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga braso?' at sasagot siya, 'Ako ay nasugatan nang nasa bahay ako ng aking mga kaibigan.”' |
23164 | MAL 1:6 | “Pinararangalan ng isang anak ang kaniyang ama at pinararangalan ng isang lingkod ang kaniyang panginoon. At kung isa nga akong Ama, nasaan ang aking karangalan? At kung isa akong panginoon, nasaan ang paggalang para sa akin? Nagsasalita sa inyo si Yahweh ng mga hukbo, mga paring humamak sa aking pangalan. Ngunit sinabi ninyo, 'Paano namin hinamak ang iyong pangalan?' |
23165 | MAL 1:7 | Sa pamamagitan ng paghahandog ng maruming tinapay sa aking altar. At sinabi ninyo, 'Paano ka namin dinungisan?' Sa pamamagitan ng pagsasabing maaaring hamakin ang hapag ni Yahweh. |
23196 | MAL 3:7 | Mula pa sa mga araw ng inyong mga magulang, tinalikuran ninyo ang aking mga batas at hindi ito iningatan. Manumbalik kayo sa akin at manunumbalik din ako sa inyo.” sabi ni Yahweh ng mga hukbo. “Ngunit sinasabi ninyo, 'Paano kami manunumbalik?' |
23197 | MAL 3:8 | Maaari bang nakawan ng tao ang Diyos? Gayon pa man, ninanakawan ninyo ako. Ngunit sinasabi ninyo, 'Paano ka namin ninakawan?' Sa mga ikapu at sa mga handog. |
23202 | MAL 3:13 | “Ang mga salita ninyo ay naging lapastangan laban sa akin,” sabi ni Yahweh. “Ngunit sinasabi ninyo, “Ano ang sinabi namin laban sa iyo?' |
23382 | MAT 6:31 | Kaya huwag kayong mabalisa at sabihin, 'Ano ang aming kakainin?' o 'Ano ang aming iinumin?' o di kaya, 'Ano ang isusuot naming mga damit?' |
23407 | MAT 7:22 | Maraming tao ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, 'Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsabi ng propesiya sa iyong pangalan, sa iyong pangalan ay nagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa ng maraming makapangyarihang gawain?' |
23635 | MAT 13:27 | Dumating ang mga tagapaglingkod ng may-ari ng lupa at sinabi sa kaniya, 'Ginoo, hindi ba mabuti ang inihasik mong mga binhi sa iyong bukirin? Papaanong nagkaroon ito ng mga damo?' |
23636 | MAT 13:28 | Sinabi niya sa kanila, 'Ginawa ito ng isang kaaway.' Sinabi ng mga tagapaglingkod sa kaniya, 'Nais mo bang puntahan namin at bunutin ang mga ito?' |
23836 | MAT 19:5 | At sinabi rin niyang, 'Sa ganitong dahilan iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina upang makiisa sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging iisang laman?' |
23867 | MAT 20:6 | At sa isa pang pagkakataon nang mag-aalas singko ng hapon, siya ay lumabas at nakatagpo ng iba pang nakatayong walang ginagawa. Sinabi niya sa kanila, 'Bakit kayo nakatayo rito na walang ginagawa sa maghapon?' |
23920 | MAT 21:25 | Ang bautismo ni Juan—saan ba ito galing, galing ba sa langit o sa mga tao?” Pinag-usapan nila ito sa kanilang mga sarili, na nagsasabi, “Kung sasabihin natin na, 'Nagmula sa langit,' sasabihin niya sa atin, 'Bakit hindi kayo naniwala sa kaniya?' |
23953 | MAT 22:12 | Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao. |
24116 | MAT 25:39 | At kailan ka namin nakita na may sakit, o nakulong at pinuntahan ka namin?' |
24121 | MAT 25:44 | At sasagot din sila at sasabihin, “Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o dayuhan, o hubad, o may sakit, o nasa kulungan, at hindi kayo pinaglingkuran?' |
24740 | MRK 11:31 | At sila ay nag-usap-usap at nagtalu-talo at sinabi, “Kung sasabihin nating, 'Sa langit,' sasabihin niyang, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?' |
24768 | MRK 12:26 | Ngunit tungkol sa mga patay na ibinangon, hindi ba ninyo nabasa sa Aklat ni Moises, sa salaysay tungkol sa mababang punong kahoy, kung paano nangusap sa kaniya ang Diyos at sinabi, 'Ako ang Diyos ni Abraham at ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob?' |
25545 | LUK 12:17 | at nangatwiran sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Ano ang aking gagawin, dahil wala na akong paglagyan ng aking mga ani?' |