3541 | LEV 26:16 | —kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito. |
5103 | DEU 6:15 | dahil si Yahweh na nasa kalagitnaan ninyo ay isang mapanibughuing Diyos —baka ang galit ni Yahweh na inyong Diyos ay magpaningas laban sa inyo at wasakin kayo mula sa ibabaw ng mundo. |
5371 | DEU 17:5 | —pagkatapos dapat mong dalhin ang lalaki o babae iyon, na nakagawa ng masamang bagay sa tarangkahan ng inyong mga lungsod, na ang lalaki o babaeng iyon, ay dapat batuhin hanggang sa mamatay. |
5696 | DEU 29:14 | —kasama ng lahat ng nakatayo ngayon na narito kasama natin sa harapan ni Yahweh na ating Diyos, pero pati narin sa mga kasama natin na wala rito ngayon. |
6083 | JOS 10:17 | Sinabi ito kay Josue, “Natagpuan sila! —ang limang hari na nagtago sa loob ng kuweba sa Maceda!” |
6278 | JOS 17:1 | Ito ang lupaing itinalaga para sa lipi ng Manases (panganay na anak na lalaki ni Jose) —iyon ay, para kay Makir, na panganay ni Manases na siya mismong ama ng Galaad. Itinalaga ang lupain ng Galaad at Basan sa mga kaapu-apuhan ni Makir, dahil naging mandirigma si Makir. |
6450 | JOS 22:22 | “Ang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! Ang Isang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! —Alam niya, at hayaang malaman ng Israel! Kung ito ay sa paghihimagsik o sa paglabag ng pananampalataya laban kay Yahweh, huwag kaming iligtas sa araw na ito |
6612 | JDG 4:11 | Ngayon hiniwalay ni Heber (ang Kenita) ang kaniyang sarili mula sa mga Kenita—sila ay mga kaapu-apuhan ni Hobab (biyenan ni Moises) —at nagtayo ng kaniyang tolda sa may kakahuyan ng Zaananim malapit sa Kedes. |
6655 | JDG 5:30 | 'Hindi ba nila natagpuan at hinati ang mga nakuha sa panloloob? —Ang sinapupunan, ang dalawang sinapupunan para sa bawat lalaki; ang nakuha sa panloloob na tininang damit para kay Sisera, ang nadarambong na tininang damit na burdado, ang dalawang tininang damit na burdado para sa mga leeg ng manloloob?' |
6773 | JDG 9:17 | —at para isipin na lumaban ang aking ama para sa inyo, ipinagsapalaran ang kaniyang buhay, at iniligtas kayo mula sa kamay ng Midian— |
6984 | JDG 17:2 | Sinabi niya sa kaniyang ina “Ang 1, 100 mga pirasong pilak na kinuha mula sa iyo, narinig ko ang tungkol sa sinabi mong isang sumpa, —tumingin dito! Nasa akin ang pilak. Ninakaw ko ito.” Sinabi ng kaniyang ina, “Pagpalain ka nawa ni Yahweh, aking anak!” |
7036 | JDG 19:10 | Pero hindi na ninanais ng Levita na magpalipas pa ng gabi. Bumangon siya at umalis. Pumunta siya patungong Jebus (iyon ay Jerusalem). Mayroon siyang isang pares ng mga sasakyang asno —at kasama niya ang kaniyang isa pang asawa. |
7095 | JDG 20:39 | —at maaaring aatras ang mga sundalo ng Israel sa labanan malayo mula sa laban. Ngayon nagsimula ng lumusob ang Benjamin at pinatay nila ang halos tatlumpung kalalakihan ng Israel, at sinabi nila, “Sigurado ito na matatalo natin sila sa harapan natin, gaya ng naunang labanan.” |
9717 | 2KI 7:6 | Dahil pinarinig ng Panginoon sa mga Aramean ang ingay ng mga karwahe, at ang ingay ng mga kabayo —ang ingay ng isang malaking hukbo, at sinabi nila sa isa't isa, “Inupahan ng hari ng Israel ang mga hari ng mga Hiteo at mga taga-Ehipto para pumunta laban sa amin.” |
9724 | 2KI 7:13 | Sumagot ang isa sa mga lingkod ng hari at sinabing, “Pakiusap, hayaan mong kunin ng ilan sa mga tauhan ang limang kabayong natitira sa lungsod. Tulad sila ng lahat ng natitira sa mga mamamayan ng Israel —karamihan ay patay na; hayaan mong ipadala namin sila at tingnan ito.” |
10727 | 1CH 12:3 | Ang pinuno ay si Ahiezer; sumunod si Joas —sila ay parehong anak ni Semaa na taga-Gibea. Sina Jeziel at Pelet na mga anak ni Asmavet. Naroon din si Beraca at Jehu na taga-Anatot, |
12091 | EZR 2:59 | Ang mga lumisan mula sa Tel-mela, Tel-harsa, Kerub, Addon, at Imer —ngunit hindi napatunayan ang kanilang kanunu-nunuan mula sa Israel —kabilang ang |
12282 | EZR 10:25 | Kabilang sa mga nalabing Israelita —sa mga kaapu-apuhan ni Paros: Ramias, Izias, Malquijas, Mijamin, Eleazar, Malquijas, at Benaias. |
12764 | EST 3:13 | Ang mga kasulatan ay inihatid sa pamamagitan ng tagahatid ng liham sa lahat ng lalawigan ng hari, upang lipulin, patayin, at wasakin ang lahat ng Judio, mula bata hanggang matanda, mga bata at kababaihan, sa isang araw—sa ikalabintatlong araw ng ikalabindalawang buwan (ang buwan ng Adar) —at samsamin ang kanilang mga ari-arian. |
17728 | ISA 1:4 | Nakalulungkot —ang mga bansa, mga makasalanan, mga taong lubog sa kasalanan, mga anak ng mga mapaggawa ng masama, mga anak ng tiwali! Iniwan nila si Yahweh, kinasuklaman nila ang Banal ng Israel, lumayo sila mula sa kaniya. |
17737 | ISA 1:13 | Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga; kasuklam-suklam sa akin ang insenso; ang mga pagtitipon niyo tuwing bagong buwan at araw ng pamamahinga —hindi ko na matiis ang lahat ng makasalanan niyong mga pagtitipon. |
17775 | ISA 2:20 | Sa araw na iyon, itatapon ng mga tao ang mga diyus-diyosan nila na yari sa pilak at ginto na ginawa nila para sambahin nila —itatapon nila ito sa mga mowl at paniki. |
17789 | ISA 3:12 | Bayan ko —mga bata ang nag-uusig, at ang mga babae ang namamahala sa kanila. Bayan ko, nililinlang kayo ng mga pinuno niyo at nililito ang direksyon ng inyong landas. |
18762 | ISA 51:19 | Nangyari sa iyo ang dalawang kaguluhan na ito—sino ang makikidalamhati sa iyo? —pangungulila at pagkawasak, at ang taggutom at ang espada. Sino ang aaliw sa iyo? |
19410 | JER 16:5 | Sapagkat sinasabi ito ni Yahweh, 'Huwag kang pumasok sa anumang bahay kung saan may nagluluksa. Huwag kang pupunta sa may nananaghoy, at huwag kang makidalamhati sa mga taong ito. Dahil tinipon ko ang aking kapayapaan, tipan na may katapatan, at mga gawang may kaawaan, mula sa mga taong ito! —Ito ang pahayag ni Yahweh— |
19539 | JER 22:16 | Ang paghuhukom niya ay panig sa mga mahihirap at mga nangangailangan. At maayos ang lahat noon. Hindi ba ito ang kahulugan ng pagkilala sa akin? —Ito ang pinahayag ni Yahweh. |
19564 | JER 23:11 | “Sapagkat ang mga propeta at ang mga pari ay parehong marumi. Maging sa aking tahanan ay natagpuan ko ang kanilang kasamaan! —ito ang pahayag ni Yahweh— |
19577 | JER 23:24 | Maaari bang makapagtago ang sinuman sa tagong lugar na hindi ko siya nakikita? —Ito ang pahayag ni Yahweh—at hindi ba ako ang nagpuno ng mga langit at ang lupa? —ito ang pahayag ni Yahweh. |
19581 | JER 23:28 | Ang propetang may panaginip, hayaang ibalita ang kaniyang panaginip. Ngunit sa isa na pinahayagan ko ng ilang bagay, ipahayag niya ng makatotohanan ang aking salita. Ano ang gagawin ng dayami sa kaniyang butil? —Ito ang pahayag ni Yahweh— |
19582 | JER 23:29 | at ang aking salita ay hindi ba tulad ng apoy? —ito ang pahayag ni Yahweh—at tulad ng maso na dinudurog ang bato? |
19632 | JER 25:29 | Sapagkat tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lungsod na tatawag sa aking pangalan, at dapat ba na hindi kayo kasama sa kaparusahan? Hindi kayo magiging malaya, sapagkat tatawag ako ng isang espada laban sa lahat ng naninirahan sa lupain! —Ito ang pahayag ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo.' |
19796 | JER 31:36 | “Kung kusang mawawala ang mga permanenteng bagay na ito sa aking paningin —Ito ang pahayag ni Yahweh—hindi titigil ang mga kaapu-apuhan ng Israel sa pagiging isang bansa sa harapan ko.” |
19905 | JER 35:13 | “Sinasabi ito ni Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, 'Pumunta ka at sabihin sa mga kalalakihan ng Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem, “Hindi ba ninyo tatanggapin ang pagtutuwid at hindi pakikinggan ang aking mga salita? —ito ang pahayag ni Yahweh. |
20774 | EZK 12:25 | Sapagkat ako si Yahweh! Nagsasalita ako at isinasagawa ko ang lahat ng mga salitang sinasabi ko. Hindi na magtatagal ang bagay na ito. Sapagkat ihahayag ko ang mga salitang ito sa inyong mga araw, kayo na mga mapanghimagsik na sambahayan, at isasagawa ko ang mga ito! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.” |
20777 | EZK 12:28 | Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hindi na maaantala ang aking mga salita ngunit mangyayari ang mga salitang sinabi ko! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'” |
20793 | EZK 13:16 | ang mga propeta ng Israel na nagpahayag tungkol sa Jerusalem at ang mga may pangitain ng kapayapaan para sa kaniya. Ngunit walang kapayapaan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”' |
20823 | EZK 14:23 | Aaliwin ka ng mga nakaligtas kapag makikita mo ang kanilang mga kaparaanan at ang kanilang mga kilos kaya malalaman mo na ginawa ko ang lahat ng bagay na ito laban sa kaniya na hindi ko ito ginawa sa kanila nang walang kabuluhan! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!” |
20850 | EZK 16:19 | At ang aking mga tinapay na gawa sa mga pinong harina, langis at pulot-pukyutan na ibinigay ko sa iyo— mga ipinakain ko sa iyo! — inilagay mo sa harapan nila upang magdulot ng matamis na amoy. Tunay nga itong nangyari! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. |
20854 | EZK 16:23 | Kaawa-awa! Kaawa-awa ka! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—samakatuwid, dagdag pa sa lahat ng iyong kasamaan, |
20861 | EZK 16:30 | Bakit napakahina ng iyong puso? —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—upang gawin mo ang mga bagay na ito, gawain ng isang mapangalunya at walang hiyang babae? |
20889 | EZK 16:58 | Ipapakita mo ang iyong kahihiyan at ang iyong mga kasuklam-suklam na kilos! —ito ang pahayag ni Yahweh! |
20927 | EZK 18:9 | kung lumalakad siya sa aking mga kautusan at sinusunod ang aking mga alituntunin upang kumilos nang tapat—ang taong ito ay matuwid; siya ay mabubuhay! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. |
20948 | EZK 18:30 | Kaya hahatulan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa inyong kaparaanan, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. Magsisi kayo at talikuran ninyo ang lahat ng inyong mga pagsalangsang upang ang mga ito ay hindi maging kasalanan na katitisuran laban sa inyo. |
20967 | EZK 20:3 | “Anak ng tao, ihayag mo sa mga nakatatanda ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Pumarito ba kayo upang sumangguni sa akin? Habang ako ay nabubuhay, hindi ninyo ako mapagsasanggunian! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.' |
21000 | EZK 20:36 | Katulad ng paghatol ko sa inyong mga ama sa ilang sa lupain ng Egipto, gayon ko rin kayo hahatulan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. |
21008 | EZK 20:44 | Kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh kapag ginawa ko ito sa inyo alang-alang sa aking pangalan, hindi dahil sa inyong mga masamang kaparaanan o sa inyong mga masasamang gawa, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'” |
21020 | EZK 21:12 | At mangyayari magtatanong sila sa iyo, 'Sa anong dahilan ka naghihinagpis?' At sabihin mo, 'Dahil sa balitang dumarating, sapagkat bawat puso ay manlulumo at bawat kamay ay manghihina! Bawat espiritu ay panghihinaan ng loob, at bawat tuhod ay mangangatog tulad ng tubig. Masdan mo! Darating at magiging gaya nito! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”' |
21026 | EZK 21:18 | Sapagkat may isang pagsubok, ngunit paano kung ang setro ay hindi magtatagal? —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. |
21139 | EZK 24:14 | Ako, si Yahweh, ipinahayag na mangyayari ito, at gagawin ko ito! Hindi ako magbabalik-loob ni manghihinayang dito. Gaya ng inyong mga pamamaraan, at ayon sa iyong mga gawain, hahatulan ka nila! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.” |
21166 | EZK 25:14 | Sa ganitong pamamaraan maghihiganti ako sa Edom sa pamamagitan ng kamay ng aking mamamayang Israel, at gagawin nila sa Edom ang ayon sa aking poot at matinding galit! Kaya malalaman nila ang aking paghihiganti! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!' |
21174 | EZK 26:5 | Magiging isang lugar siya na patuyuan ng mga lambat sa gitna ng dagat, yamang ipinahayag ko ito —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh —at magiging samsam siya para sa mga bansa! |
21279 | EZK 30:6 | Sinasabi ito ni Yahweh: Kaya ang sinumang tutulong sa Egipto ay babagsak, at ang kapalaluan ng kaniyang lakas ay manghihina. Mula sa Migdal patungo sa Sevene ang kanilang mga kawal ay babagsak sa pamamagitan ng espada! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh! |
21317 | EZK 31:18 | Alin sa mga punongkahoy sa Eden ang papantay sa iyong kaluwalhatian at kadakilaan? Sapagkat dadalhin ka pababa kasama ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo kasama ng mga taong hindi tuli; mamumuhay ka kasama ng mga taong pinatay sa pamamagitan ng espada! Ito ay si Faraon at ang lahat ng kaniyang mga tagapaglingkod! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!”' |
21708 | EZK 45:9 | Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Tama na para sa inyong mga prinsipe ng Israel! Alisin na ninyo ang karahasan at pag-aawayan, gawin ang makatarungan at makatuwiran! Itigil na ninyo ang pagpapalayas sa aking mga tao! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh. |
22459 | AMO 2:11 | Pumili ako ng mga propetang mula sa inyong mga anak na lalaki at mga Nazareo mula sa inyong mga nakababatang kalalakihan. Hindi ba tama iyon, mga Israelita? —ito ang pahayag ni Yahweh.” |
22527 | AMO 6:8 | Ako, ang Panginoong Yahweh, ang mismong nangako —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo: “Kinamumuhian ko ang pagmamalaki ni Jacob. Kinamumuhian ko ang kaniyang mga tanggulan. Samakatuwid ipapasakamay ko ang lungsod kasama ang lahat ng nasa loob nito.” |
22553 | AMO 8:3 | Ang mga awit sa templo ay magiging pagtangis. Sa araw na iyon” —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—”Magiging marami ang mga bangkay, sa bawat lugar itatapon nila ang mga ito sa katahimikan!” |
22564 | AMO 8:14 | Sinumang sumusumpa sa kasalanan ng Samaria at sabihing, 'Buhay ang diyos mo, Dan' at, 'Buhay ang diyos ng Beerseba, —sila ay babagsak at kailanman ay hindi na muling babangon.” |
22571 | AMO 9:7 | “Hindi ba tulad kayo ng mga tao ng Etiopia sa akin, mga tao ng Israel? —ito ang pahayag ni Yahweh. Hindi ba ako ang nagpalabas sa Israel mula sa lupain ng Egipto, ang mga Filisteo mula sa Caftor, at ang mga Aramean mula sa Kir? |
22576 | AMO 9:12 | Upang kanilang ariin ang mga natira sa Edom at ang lahat ng bansang tumawag sa aking pangalan —ito ang pahayag ni Yahweh, na siyang gumawa nito.” |
22856 | HAB 3:19 | Ang Panginoong Yahweh ang aking lakas, at ginagawa niya ang aking paa na tulad ng paa ng usang babae at pinangungunahan ako sa aking mga lugar na matataas! —Sa direktor ng musika, sa aking mga instrumentong may kuwerdas. |
22922 | HAG 1:13 | At si Hagai, na mensahero ni Yahweh, ang nagsalita ng mensahe ni Yahweh sa mga tao at sinabi, “'Ako ay kasama ninyo!' —ito ang pahayag ni Yahweh!” |
22928 | HAG 2:4 | Ngayon, magpakatatag ka, Zerubabel!' -ito ang pahayag ni Yahweh- at magpakatatag ka, punong paring Josue anak ni Josadac; at magpakatatag kayong lahat na mga tao sa lupain!'—ito ang pahayag ni Yahweh— 'at gumawa kayo sapagkat kasama ninyo ako! —ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. |
22938 | HAG 2:14 | Kaya sumagot si Hagai at sinabi, “'Gayon din ang mga taong ito at ang bansa na nasa aking harapan! —ito ang pahayag ni Yahweh—'at maging ang lahat ng mga bagay na ginawa ng kanilang mga kamay: ang kanilang mga inialay sa akin ay marumi. |
23086 | ZEC 10:1 | Humingi kayo ng ulan kay Yahweh sa panahon ng tag-ulan ng tagsibol —Si Yahweh na siyang gumagawa ng bagyo! — at ipagkakaloob niya ang pagbuhos ng ulan para sa kanila, at sa mga pananim sa kabukiran para sa sangkatauhan. |
23103 | ZEC 11:6 | Sapagkat hindi na ako maaawa sa mga naninirahan sa lupain!” —Ito ang pahayag ni Yahweh” Tingnan mo! Ako mismo ang magpapasakamay ng bawat tao sa mga kamay ng kaniyang kapwa at sa mga kamay ng kaniyang hari. Wawasakin nila ang lupain. Hindi ko sasagipin ang Juda mula sa kanilang kamay.” |
23135 | ZEC 13:7 | “Espada! Gisingin mo ang iyong sarili labanan mo ang aking pastol, ang lalaki na nakatayo ng malapit sa akin” —Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.” Patayin ang pastol, at ang kawan ay magkakawatak-watak! Sapagkat ipipihit ko ang aking kamay laban sa mga mahihina. |
27367 | ACT 10:39 | Saksi kami sa lahat ng bagay na kaniyang ginawa sa bansa ng mga Judio at sa Jerusalem —itong si Jesus na kanilang pinatay, na binitay sa isang kahoy. |
30047 | HEB 2:3 | paano tayo makakatakas kung ating babalewalain ang dakilang kaligtasan? —kaligtasan na unang ipinahayag ng Panginoon at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig nito. |
30768 | REV 1:3 | Pinagpala ang bumabasa ng malakas— at ang lahat ng nakikinig —sa mga salita ng propesiyang ito at sumunod sa nakasulat dito, dahil ang panahon ay malapit na. |